Si Padre Florentino ay isang paring indio na amain ni Isagani. Minsan lamang magsalita si Padre Florentino. Hindi ito mahilig makipaghalubilo sa ibang tao, hindi mapagmalaki, at walang bisyo.
Mula sa mayaman na angkan sa Maynila si Padre Florentino. Kailanman ay hindi niya pinangarap ang maging pari ngunit pinilit siya ng kaniyang ina na pumasok sa seminaryo. Ang kaniyang ina, na kaibigan ng arsobispo, ay mahirap pakiusapan at hindi nagbabago angisip. Si Padre Florentino ay naging ganap na pari sa edad na 25.
Nang malaman ito ng kaniyang katipan, nag-asawa siya ng kahit sino dahil sa hindi nito matanggap ang pagpapari ng kanyang kasintahan. Simula noon, naging malungkutin at nawalan na ng sigla ang pagkatao ni Padre Florentino dahil rito.
Paano kaya siya nagkaroon ng malaking parte sa buhay ni Simoun?
Si Simoun ang pangunahing karakter sa dalawang nobela ni Jose Rizal. Bilang
Crisostomo Ibarra (na kanyang tunay na pangalan), siya ang pangunahing tauhan sa
unang nobelang ni Rizal, Noli Me Tangere. Sa unang nobela, Isa siyang ideyalista
na naniniwala na ang mga repormang panlipunan ay maaaring magtapos sa mga kanser
sa lipunan, at sumasalungat sa pinuno ng Espanya. Sa ikalawang nobela ni Rizal,
bumalik siya bilang isang mayaman na tindero ng alahas na si Simoun. Siya ay
hinimok ng kanyang mga karanasan sa pagmamaltrato sa mga Pilipino sa kamay ng
mga Kastila at ang matinding galit sa mga naging sawing-kapalaran ni Maria
Clara.
Si Crisostomo Ibarra ay nagbalik bilang isang mayamang nagtitinda ng alahas sa
ilalim ng pangalan na Simoun. Siya ay kilala bilang impluwensyal sa kolonyal na
gobyerno ng Espanya sa Pilipinas at may ugnayan sa Kapitan-Heneral. Inabandona
niya ang kanyang mga ideyalistang pananaw matapos ang mga trahedya sa huling
nobela. Naniniwala siya na ang mabagsik at marahas na rebolusyon ay ang tanging
paraan upang magwawakas ang pang-aabuso ng mga Espanyol, lalo na ang mga prayle
at pari. Nais niyang gawin ito sa pamamagitan ng pag-impluwensya sa
Kapitan-Heneral upang gumawa ng maling mga desisyon na hahantong sa karagdagang
paghihirap ng mga Pilipino. Naniniwala siya na ang paggawa nito ay magmumulat ng
kanilang mga mata sa katotohanan at magsimula ng rebolusyon. Ang kanyang iba
pang mga layunin ay upang magbakante Maria Clara mula sa kumbento.
Ang pagkamatay ni Maria Clara habang naglilingkod sa kumbento ang lalong ang
nagdulot kay Simoun upang higit pang ituloy ang kanyang mga plano.
Siya ay pamangkin ni Padre Florentino at katipan ni Paulita Gomez; sinasabing anak daw ni Padre Florentino sa dating katipan; prominente, isang makata at manunugma, malungkutin at tahimik.
Isa sa mga estudyanteng sumuporta sa hangaring magkaroon ng sariling akademya para sa wikang Kastila ang Pilipinas. Nagtapos sa Ateneo Municipal.
Nang napag-alaman niyang nasasapanganib ang kasintahan, gagawin niya ang lahat
upang siya lamang ay maligtas.
Magdulot kaya ng maganda ang pagmamahalan?
Si Juli ay isang alila sa tahanan ni Hermana Penchang
na kung saan kinakailangan niyang mag-aral ng dasal, magbasa ng mga aklat na
ipinamimigay ng mga pari at gumawa rin ng mga gawaing bahay Isa siyang taong naniniwala
sa himala.
Masasabing siya ay makasalanan sapagkat hindi siya marunong bumigkas ng mga dasal na
isinasaulo sa simbahan. Malungkutin rin siya dahil nagsimula ito mula noong napabilanggo
ang kanyang ama na si Kabesang Tales at nang mapahamak ang kanyang katipang si Basilio.
Ano kaya ang magiging kapalaran niya sa huli?
Si Basilio, ang panganay na anak ni Sisa at siyang naiwang buhay sa kanilang mag-anak. Lumuwas siya ng Maynila at kinupkop ni Kapitan Tiyago. Dito ay pinag-aral sya ng medisina kapalit ng kanyang pagsisilbi sa tahanan. Ipinakita nya ang pagpapahalaga sa edukasyon kahit na kinukutya at pinagtatawanan ng ibang tao. Ilang taon ang nakalipas ay nagkita silang muli ni Simoun, ang Ibarra ng nakaraan, hinimok siya nitong maghiganti sa sinapit ng pamilya, ano kaya ang kanyang gagawin? Siya ba’y sasanib o pananahimik ang mas pipiliin?
Noong 1887, nailathala ni Dr. Jose Rizal ang una niyang nobela, Noli me Tangere, na nakasulat sa wikang Kastila, na kung saan ay ipinapakita ang mga pang-aabuso ng mga prayle. Nang taong din iyon ay bumalik siya sa Maynila na kung saan ay ipinagbawal na ang Noli at si Rizal ay labis na kinamumuhian ng mga prayle. Noong 1888, bumalik si Rizal sa Europa, kung saan ay isinulat niya ang karugtong ng Noli me Tangere na may pamagat na El Filibusterismo. Ito ay nailathala noong 1991. Ngayon ay ating tuklasin ang kasaysayan ng pagkakasulat ng El Filibusterismo.
Si Kabesang Tales ay isang pangahas ngunit marunong tumupad sa pangako ayon kay
Simoun, ang mag-aalahas. Si Kabesang Tales ay isang kabesa de barangay. Siya ay
anak ni Tandang Selo, na kumupkop kay Basilio. Mayroong tatlong anak si Kabesang
Tales ito ay sina: Lucia, Tano, at Huli, ngunit dalawa na lamang ang nabubuhay.
Isa siyang matiyaga at masipag na haligi ng tahanan sapagkat naiahon niya sa
hirap ang kaniyang pamilya. Ang bunga ng kaniyang pagsisikap ay nanaisin ng mga
tulisan hanggang sa siya ay nadakip ng mga ito.
Makakawala kaya siya o mananatiling tanikala?
»